NASA 937 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes (Enero 5), umabot na sa 479,693 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 21,997 o 4.6 porsiyento ang aktibong kaso.
Nasa 81.4 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.5 porsiyento ang asymptomatic; 0.55 porsiyento ang moderate; 3.3 porsiyento ang severe habang 6.2 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Iniulat na 58 naman ang nasawi kaya umakyat na sa 9,321 o 1.94 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 114 ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 448,375 o 93.5 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.
Comments are closed.