937 INDIGENOUS PEOPLE SA METRO NAISALBA

INDIGENOUS 

TAGUIG CITY – NASA 937 indi­genous people o IP na bumaba ng ­Metro Manila upang mamalimos ang nai­salba ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Kabilang sa mga nasagip ay mga Aeta at Badjao, kung saan sinama na rin sa ope­ration sagip ang nagkalat na batang hamog, ayon kay PNP National Capital Region Police Office  (NCRPO)  Chief, Director Guillermo Eleazar.

Ayon sa datos na hawak ni Elezar, naitala ang bilang mula noong Disyembre 11, 2018 hanggang alas-5 ng umaga kahapon Disyembre 23, 2018.

Sa pinagsama-samang datos ng NCRPO umaabot sa kabuuang 124 ang isinagawang operasyon ng mga awtoridad, sa nabanggit na panahon.

Pinakamaraming na-rescue ang Manila Police District, at sinundan ng Quezon City Police District.

Ayon kay Eleazar, ang pagsagip sa mga IP ay alinsunod sa Presidential Decree no. 1563 o Mendicancy Law o 1978.

Ang mga na-rescue ay binigyan lamang ng warning o kaya’y nai-turnover na sa Department of Social Welfare and Development o DSWD offices. VERLIN RUIZ

Comments are closed.