9,373 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA

DOH

NASA 9,373 ang panibagong  kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH)  araw ng Martes (Abril 6), pumalo na sa 812,760 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 152,562 o 18.8 porsiyento ang aktibong kaso.

97.5 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.1 porsiyento ang asymptomatic; 0.31 porsiyento ang moderate; 0.5 porsiyento ang severe habang 0.5 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 382 naman ang napaulat na nasawi.

Ito ang pinakamataas na naitalang bilang ng nasawi bunsod ng COVID-19 sa bansa sa loob ng isang araw.

Ayon sa DOH, nagkaroon ng technical issue sa case collection systems kung kayat mababa ang napapaulat na COVID-19 death counts noong nakalipas na linggo.

“As a result of this error, there were 341 deaths prior to April 2021 that went unreported. The number of deaths reported today (382) already includes the said deaths not reported in previous counts,” paliwanag pa ng kagawaran.

Dahil dito, umakyat na sa 13,817 o 1.70 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Nasa 313 naman ang gumaling pa sa COVID-19 kaya  umakyat na sa 646,381 o 79.5 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.

2 thoughts on “9,373 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA”

  1. 789881 137899Somebody necessarily assist to make seriously articles I might state. That will be the very 1st time I frequented your web page and to this point? I surprised with the research you produced to make this actual put up wonderful. Amazing task! 43823

  2. 825442 903689That being said by use it all, planet is actually restored a bit much more. This situation in addition will this specific Skin tightening and starting to be moved and into the mood of these producing activities. day-to-day deal livingsocial discount baltimore washington 316285

Comments are closed.