NILAGDAAN kahapon ng Filipinas at China ang commercial contract ng Subic Clark railway project na nagkakahalagang $940 million.
Ang proyekto ay itinuturing na isa sa ‘highest-funded’ deals sa pagitan ng dalawang bansa, ayon sa envoy ng China sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ni Ambassador Huang Xilian na ang konstuksiyon ng 71-kilometer, single-track railway ay tinatayang tatagal ng tatlo at kalahating taon.
“This is so far the highest-funded G2G (government to government) project between the two countries valued at [approximately] $940 million and is the flagship project under the administration’s ‘Build Build Build’ program,” nakasaad sa statement.
Ayon sa Chinese Embassy sa Manila, ang railway ay partikular na magdurugtong sa Subic Bay Freeport Zone at Clark International Airport.
Ang Subic-Clark railway ay magkokonekta rin sa North Railway Project ng Department of Transportation (DOTr).
Sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade na karaniwang ninonomina ng contractors China para sa mga proyektong popondohan nito ang mga may kinalaman na sa Chinese projects.
“May proseso ho iyan kapag Chinese funded. Ang gusto nila mga involved sa proyekto na mga Chinese,” sabi ni Tugade.
Comments are closed.