CAMP CRAME – TINUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang 941 election hot spots na may lawak na 57.60 percent at ang ilan sa mga ito ay 1,634 cities at municipalities sa buong bansa nationwide.
Gayunman, sinabi ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, nahahati ang hot spots sa tatlong magkakaibang antas.
Ang yellow category o election areas of concern; orange category o election areas of immediate concern at red category o election areas of grave concern.
Ang 131 bayan at lungsod ay nasa ilalim ng yellow category, 238 election areas nasa orange category habang 570 ay nasa red category.
Habang ang Cotabato City, Daraga sa Albay, ay nasa kontrol ng Commission on Elections.
Una nang tinukoy ni Albayalde ang mga red area o lugar na batbat ng bakbakan sa mga rebelde at una ang Autonomous Region in Muslim Mindanao na may 118, 93 sa Northern Mindanao; 73 – Caraga; 72 sa Zamboanga Peninsula; 49 – each sa Davao Region at Soccsksargen, 45 – Eastern Visayas; 28 – Cordillera Region; 21 – Bicol Region; 5 – Calabarzon; tig-apat sa Central Luzon at Western Visayas, dalawa sa Cagayan Valley Region at isa sa Central Visayas.
Tiniyak naman ni Albayalde na no red areas sa National Capital Region at Ilocos Region. EUNICE C.
Comments are closed.