UMAKYAT sa 945 bagong HIV-AIDS infection sa bansa ang naitala ng Department of Health (DOH) noong Nobyembre 2018 lamang.
Ito ay batay sa November 2018 HIV/AIDS & Art Registry of the Philippines (HARP) ng DOH-Epidemiology Bureau, matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine HIV and AIDS Act.
Ayon sa DOH, sa nasabing bilang, 18% o 174 kaso ang may clinical manifestations ng advanced HIV infection at ang 95% o 900 sa kanila ay pawang lalaki.
Lumilitaw na ang mga biktima ay nagkaka-edad lamang ng isang buwan hanggang 71-taong gulang, at may median age na 27-taong gulang.
Ang 48% o 456 kaso ay nasa 25-34 years old lamang, at 32% o 299 kaso ang nasa 15-24 years old nang isagawa ang pagsusuri.
Pinakamaraming naitalang kaso sa National Capital Region (NCR) na nasa 29% o 272 kaso, sumunod ang Region 4A (14%, 131 kaso), Region 3 (13%, 119 kaso), Region 6 (8%, 77 kaso), at Region 7 (8%, 77 kaso).
“Sexual contact remains the predominant mode of transmission (96%, 911 cases). Among this, 88% were males who have sex with males (MSM). Other modes of transmission were needle sharing among injecting drug users (2%, 18 cases) and mother-to-child transmission (<1%, 6 cases). There were 10 cases that had no data on mode of transmission,” ulat pa ng DOH.
Kabilang din sa mga newly diagnosed HIV-AIDS victims sa naturang buwan ang anim na babaeng buntis na ang tatlo ay mula sa NCR at ang tatlo pa ay mula sa Regions 4A, 6 at 7.
Sa nasabing kabuuang bilang 37 ang iniulat na nasawi na rin dahil sa sakit sa nasabing buwan.
Ayon sa DOH, dahil sa nasabing mga bagong kaso ng HIV-AIDS infection, umakyat na sa 10,550 ang bilang ng mga pasyente na tinamaan ng sakit mula Enero hanggang Nobyembre 2018 lamang at kabuuang 61,152 naman mula Enero 1954 hanggang Nobyembre, 2018. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.