NASA 946 ang may panibagong kaso ng COVID-19 na mga Pinoy sa abroad.
Ayon ito sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Kumpirmadong 946 ng panibagong kaso ng mga Pinoy sa abroad ang nagpositibo sa COVID-19, 204 ang mga bagong naka-recover mula sa naturang virus at 35 ang fatalities.
Kumpara aniya nitong nakaraang linggo ang kabuuang bilang ng COVID-19 fatalities, ginamot at naka recover ay tumaas ng 2.63%, 9.01% at 1.63%.
Tanging sa Europa lamang ang rehiyon na walang panibagong kaso ng mga Pinoy na may mga COVID-19 nitong nakaraang linggo.
Samantalang sa Middle East at Africa ang may pinakamataas na bilang ng mga Pinoy na may COVID-19 at ang ASPAC ang may pinakamataas na bilang naman ng mga namatay at naka-recover nitong linggo.
Ang DFA at Foreign Service Post ay patuloy na nagsasagawa ng monitoring at tumutulong sa mga Pinoy sa abroad bunsod ng pandemya. LIZA SORIANO
870102 763321But a smiling visitor here to share the love (:, btw excellent pattern . 678549