KARAMIHAN sa rice retailers ay sumusunod sa price ceilings na itinakda ng pamahalaan sa regular at well-milled rice varieties, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa ulat ng GMA News, sinabi ni DA deputy spokesperson Wiann Angsiy na hanggang noong kamakalawa ay naitala ang 95% na success rate.
“This means na nag-comply po ang ating mga retailers,” sabi ni Angsiy.
Ayon sa Executive Order 39, ang itinakdang price ceiling para sa regular milled rice ay P41 kada kilo habang ang well-milled rice ay maaaring ipagbili hanggang P45 kada kilo.
Inaprubahan ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatakda ng price cap kasunod ng pagsirit ng retail prices ng bigas sa local markets, na naglalaro sa P45 hanggang P70 kada kilo.
Ang price cap ay sinimulang ipatupad noong Martes, September 5.