MAY 95 pasyente pa ang gumaling sa coronavirus disease (COVID-19) sa Filipinas, araw ng Huwebes, Hunyo 4.
Naitala ng Department of Health na nasa kabuuang 4,248 pasyente ang gumaling mula sa pandemya.
Tumaas naman ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa dahil nadagdag dito ang 634 pa.
Hanggang alas-4:00 Huwebes ng hapon ay umaabot na sa 20,382 ang mga tinamaan ng COVID-19
Sa nasabing bilang ay 313 ang “fresh cases” habang 321 ang “late cases”.
Sampu naman ang nadagdag sa mga nasawi na naghatid sa 984 kabuuang COVID-19 related deaths sa bansa.
Comments are closed.