96.75% RESIDENTE SA KYUSI NATURUKAN NA

UMAABOT na sa 96.75% target population ang naturukan ng bakuna kontra CO­VID-19 sa Quezon City.

Batay sa datos mula sa QC Protektodo: Vaccination Tracker ng QC LGU, nabatid na hanggang alas-8 ng Agosto 29 ay umaabot na sa 2,386,310 ang total vaccines na na-administered sa mga residente sa tulong ng mga healthcare workers, staff at volunteers.

Sa kabuuan, mayroon naman umanong 1,644,698 o 96.75% ng 1.7 milyong target population ang nabakunahan na ng first dose sa ating lungsod sa kabila ng limitadong supply ng bakuna.

“Malaking bagay ito lalo na ngayong may Delta variant,” ayon sa QC LGU.

Samantala, umakyat naman sa 741,612 o 46.17% ang nakatanggap na ng kanilang second dose ng COVID-19 vaccine o fully-vaccinated na.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng QC LGU ang mga residente na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

“Ang mga nabibigyan ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system o prayoridad na mabakunahan ang mga naunang nakapagrehistro, depende pa rin sa supply ng bakuna na dumarating sa lungsod,” anang lokal na pamahalaan.

Upang makapagrehistro, maaari anilang bisitahin ang https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy at abangan ang iba pang anunsyo sa kanilang Facebook page o bisitahin ang https://qcprotektodo.ph para sa iba pang detalye ng vaccination program. EVELYN GARCIA

6 thoughts on “96.75% RESIDENTE SA KYUSI NATURUKAN NA”

  1. 113654 756500certainly like your internet web site but you need to check the spelling on several of your posts. Several of them are rife with spelling troubles and I discover it extremely troublesome to tell the truth nevertheless I will certainly come back again. 744709

Comments are closed.