NAKATAKDANG kasuhan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang may 96 na local government officials kabilang na ang ilang mga kongresista na sangkot sa ipinagbabawal na droga.
Inamin ni Año, ang mga kakasuhan ay mula sa mga alkalde, gobernador at ilang kongresista.
Aniya, ang umano’y 96 na mga opisyal na may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga ay protektor, sangkot sa operasyon, gumagamit mismo ng droga at ang ilan naman ay tila tino-tolerate ang illegal drugs sa kanilang nasasakupan.
Iginiit ni Año, mas mabuti na makilala ng publiko o ng mga botante kung anong klase ang mga kandidato sa kanilang mga lugar.
Binigyang diin pa nito, kung boboto ang mga botante ay wala dapat na sabit sa anumang usapin sa illegal drugs ang kandidato.
Sa kabila nito inamin naman ni Año na kahit apat na departamento ng pamahalaan ang magpapatunay sa pagkakasangkot ng ilang local na opisyal sa ipinagbabawal na droga mahihirapan naman sila na ilaban ito si korte.
Gayunpaman, aminado rin ang kalihim na kahit nakapagsampa na sila ng kaso laban sa mga nasabing opisyal ay makatatakbo pa rin sa halalan ang mga ito hanggang hindi ito nahahatulan ng Korte. VICKYCERVALES
Comments are closed.