UMABOT sa average na 95.58 percent ng mga batang nasa 0-59 buwang gulang ang nabigyan ng bakuna ng Department of Health (DOH) sa isinagawang unang bugso ng Sabayang Patak Kontra Polio mula Oktubre 14 hanggang 27 sa National Capital Region (NCR) at mga piling lugar sa Mindanao gaya ng Lanao del Sur, Marawi City, Davao del Sur, at Davao City.
Ikinatuwa naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang mataas na turn-out ng mga batang nabakunahan laban sa polio.
“We are elated over this high turn-out of parents and caregivers who had their young children immunized against polio,” ani Duque. “This means that the majority of them have overcome their distrust of our vaccines and this augurs well for our other immunization programs,” aniya pa.
Nabatid na kabuuang 1,230,101 (96% coverage) mga bata na nasa 0-59 months old mula sa 17 lungsod at munisipalidad sa NCR ang nabakunahan ng Oral Polio Vaccine (OPV).
“District II, which consists of Marikina, Pasig, Pateros, Taguig and Quezon City, had the most number (505,739 or 103%) of children vaccinated. Among all the cities in NCR, Makati had the highest number of children vaccinated at 52, 978 (107%),” ulat pa ng DOH.
Sa Davao del Sur, nabatid na kabuuang 66,777 (92%) paslit ang nabakunahan mula sa 10 city/municipalities ang nabigyan ng OPV. Ang munisipalidad ng Santa Cruz ang may pinakamataas na coverage na nasa 10,667 o 102% habang sa Davao City, ang coverage ng OPV ay umabot sa total na 188,675 (101%).
Samantala, sa Lanao del ay iniulat na kabuuang 143,164 (85% coverage) ang mga batang nabakunahan ng OPV mula sa 40 city/municipalities. Ang Saguiaran Municipality ang may pinakamataas na coverage na nasa 4,079 o 103%.
“Let us sustain this success throughout the succeeding rounds of vaccination, to stop the spread of the disease, and to make the country polio-free,” ani Duque. “Hinihikayat po namin ang mga magulang at tagapag-alaga na patuloy suportahan ang ating Sabayang Patak Kontra Polio. Dalhin po ang mga bata sa health centers at vaccination posts sa takdang mga araw.”
Nabatid na ang ikalawang bugso ng Synchronized Polio Vaccination campaign ng DOH ay isasagawa sa Nobyembre 24, sa NCR at ilang lugar sa Mindanao, habang ang final round naman nito sa Mindanao area ay sisimulan sa Enero 6, 2020. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.