CAVITE -NASA 966 lamang mula sa 21,636 examinees ang nakapasa sa Philippine National Police Academy Cadet (PNPA) Admission Test ngayong taon sa Silang sa lalawigang ito.
Sinabi PNPA Director BGen. Eric Noble na ang nasabing numero ay kumatawan sa 4.46 percent ng examinees na kumuha ng cadetship examination na ginanap nitong Oktubre 29 hangang Oktubre 31 sa 37 testing centers sa buong bansa.
Aminado naman si PNPA Spokesman Lt. Col. Louie Gonzaga na hindi pa pinal ang nasabing numero dahil kailangan pang makapasa sa panel interview kung saan daraan pa sa physical and mental tests.
Habang mayroon din nagba-backout at hindi nakakatagal sa 45-day training para sa plebe hood.
Ang mga nakapasa ay kinabibilangan ng 280 babae at 686 lalaking aspirants at nasa average age na 19. EUNICE CELARIO