MAHIGIT 96,326 o 2.7 porsiyento ang aktibong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang alas-4:00 ng Miyerkoles ng hapon, Pebrero 9, pumalo na sa 3,623,176 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa makaraang madagdagan ng 3,651 na bagong kaso.
Nasa 4,150 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 87,385 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,029 ang moderate, 1,447 ang severe, habang 315 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 69 naman ang napaulat na nasawi kaya pumalo na sa 54,690 o 1.51 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 12,834 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,472,160 o 95.8 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.