97% COVID-19 BEDS SA PGH OKUPADO NA

OKUPADO na ang 97 porsiyento ng CO­VID-19 beds sa Philippine Gene­ral Hospital (PGH).

Inihayag ni PGH spokesman Dr. Jonas Del Rosario na 341 sa 350 na kama ay okupado na ng mga pasyente.

Samantala, 100 porsiyentong full capacity na ang intensive care unit (ICU) ng ospital dahil sa COVID-19.

Ani Del Rosario, plano ng PGH na dagdagan ang bed capacity.

“We are hoping it is on a downward trend already, although we can add a few more beds as long as we have the manpower to support it,” ayon sa tagapagsalita.

Kasalukuyang mayroong 284,458 na aktibong kaso ng COVID-19 ang buong bansa nitong Martes.

Samantala, mayroong 126,841 active infections ang Metro Manila.  LIZA SORIANO