97 INDIBIDWAL NAGHARAP NG COC SA PAGKAPRESIDENTE

HALOS  48,000 indibidwal  at party list organizations ang magtutunggali  sa  18,000 puwesto para sa  May 9, 2022, elections.

Nasa 47,853 certificates of candidacy (COC) at certificates of nomination and acceptance ang tinanggap ng Commission on Elections (Comelec)  sa panahon ng paghaharap ng certificate of candidacy  noong Oktubre 1 hanggang Oktubre  8.

Kabuuang  18,100 national at local posts ang pagtatagisan at ayon sa  Comelec,   97  ang  nais na tumakbo bilang presidente kabilang dito ang mga kilalang sina Sen. Manny Pacquiao,  dating Sen. Ferdinand  ‘Bongbong’ Marcos, Jr., Mayor Isko Moreno, Sen. Ronaldo Dela Rosa,  Leni Robredo,  at Sen. Panfilo Lacson habang  29  naman para sa  vice president.

Ang  12 Senate seats na mababakante ay  mayroong  176 aspirante ang nagharap ng kandidatura.

Nasa 270 grupo naman ang nais na sumali  sa  party list elections.

103 thoughts on “97 INDIBIDWAL NAGHARAP NG COC SA PAGKAPRESIDENTE”

Comments are closed.