NASA 97 percent ng healthcare workers sa Metro Manila ang bakunado na laban sa COVID-19.
Ito ang iniulat kahapon ng Department of Health (DOH) sa ginanap na Laging Handa press briefing.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang 97 percent at bahagi ng 85 percent healthcare workers na nasa 1.7 million healthcare workers sa bansa.
“In NCR, 97 percent are A1 (who have been vaccinated),” ayon kay Cabotaje.
Ang 15 percent ay mula sa A1 priority group o workers sa frontline health services na hindi pa nababakunahan mula sa iba’t ibang lalawigan, paliwanag ni Cabotaje, na chairperson ng National Vaccination Operation Center.
Ang 15 percent ng 1.7 million healthworkers sa bansa na hindi pa nababakunahan ay mula sa mga probinsiya.
“Mostly (who have not been inocualted) are those from the provinces, we need to encourage our barangay health workers, the members of our Barangay Health Emergency Response Team, they are a bit hesitant. So, we need to encourage them, these are mostly in the provinces and in the regions,” giit ni Cabotaje.
Sa datos, mayroon nang 4,495,000 doses ng COVID-19 vaccines ang na-administer, 85 percent healthcare workers ang naturukan ng una doses habang ang 12 percent o nasa 1.1 million ay A2 priority group o senior citizens.
Aminado rin si Cabotaje na walang darating na bakuna sa katapusan ng Mayo kundi sa Hunyo na kung saan inaasahan ang 10 million doses.
Samantala, ngayong papalapit na ang iskedyul ng A4 group na tinawag namang “economic frontliners na halos nasa 13 milyon ay pinauubaya na ng DOH sa mga local government unit ang hakbang sa prioritization list para sa nabanggit na sektor.
“We will leave it to the LGU to strategize, who are most at risk, most vulnerable from the A4 depending on their locality,” ayon pa kay Cabotaje.EVELYN QUIROZ
20847 353244Attractive portion of content material. I simply stumbled upon your weblog and in accession capital to assert that I get in fact loved account your weblog posts. Anyway I will probably be subscribing to your augment and even I success you get admission to constantly quickly. 170275