NAKAPAGTALA ang lokal na pamahalaan ng Pasay ng 97.65 porsiyentong recovery rate sa COVID-19 nitong Sabado.
Base sa report ng Pasay City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), sa kabuang 28,429 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay 27,760 sa mga ito ay mga gumaling na sa naturang virus.
Ang dobleng pagsisikap na ginagawang monitoring ng mga doctor at nurses sa lungsod para sa mabilis na recovery at paggaling ng mga pasyente ng COVID-19 sa lungsod kung kaya’t nananatili na lamang ang aktibong kaso ng virus sa bilang na 96.
Kasabay nito, patuloy ang paghihimok ng pamahalaang lubngsod mga residente para sa kanilang baksinasyon na magbibigay ng proteksyon laban sa COVID-19.
Sa kasalukuyan ay namamahagi ng mga masusustansyang pagkain kada isang linggo ang lokal na pamahalaan sa bawat pamilya ng mga pasyente ng COVID-19 na naglalaman ng isang buong frozen na manok, 2 kilong bigas, iba’t-ibang uri ng gulay, mga prutas gayundin ang mga ‘ready to eat’ na pagkain.
Bukod pa rito, nakapamahagi na rin ang lungsod ng mga home care kits sa lahat ng mga residente na mga naka-home quarantine. MARIVIC FERNANDEZ