975 BAGONG KASO NG COVID-19

NASA  975 ang panibagong napaulat na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, Nobyembre 25, pumalo na sa 2,829,618 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 17,796 o 0.6 porsiyento ang aktibong kaso.

52.7 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.4 porsiyento ang asymptomatic; 21.49 porsiyento ang moderate; 14.4 porsiyento ang severe habang 6.0 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 193 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 47,875 o 1.69 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 1,029 ang gumaling pa sa COVID-19 kaya pumalo na sa 2,763,947 o 97.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.