9,754 PINOY ABROAD TINAMAAN NG COVID-19

DFA

PUMALO na sa 9,754 kabuuang bilang ng mga Filipino sa iba’t ibang bansa ang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ipinadala ng Philippine Embassy at ng Philippine Consulates, nasa 39 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa nakalipas na linggo.

Nasa 23 naman ang naitalang mga Pinoy sa abroad ang naka-recover o gumaling sa COVID-19 mula sa dalawang bansa sa America, Middle East at Africa.

Habang wala naman panibagong nasawi sa mga Pinoy abroad na naitala dulot ng COVID-19.

Sa record ng DFA, umabot na sa 3,263 ang nanatiling ginagamot sa mga hospital, at 5,783 na mga Pinoy naman mula sa iba’t ibang bansa, ang naitalang gumaling sa naturang sakit,

Habang nasa 708 kabuuang bilang naman ang naitala sa mga nasawi dahil sa COVID-19 mula sa 72 mga bansa at rehiyon. LIZA SORIANO

Comments are closed.