98.5% NG PNP PERSONNEL SUMAILALIM SA RT-PCR TEST

NASA 1.5 percent na lang sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang hindi pa sumasailalim sa RT-PCR Test.

Sa datos, 3,349 tauhan o 98.5% mula sa kabuuang 3,409 PNP personnel sa National Headquarters ang naisalang na sa RT-PCR COVID test.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang pinaigting na testing ng kanilang mga tauhan ay alinsunod sa kautusan ni PNP Chief Gen. Debold Sinas.

Layon nitong maagang ma-detect at ma-isolate ang COVID-19 cases sa kanilang hanay upang maiwasan ang pagkalat nito.

Base sa datos ng ASCOTF, nasa 89 na porsiyento naman ng 6,875 nilang tauhan sa National administrative Support units (NASU) ang nakapag RT-PCR test na; 78.4 porsiyento ng 28,852 na tauhan sa National Ope­rational Support Units; at 54.4 na porsiyento ng 180,372 nilang tauhan sa mga Police Regional Offices.

Ang PNP ay may apat na molecular Laboratory para sa RT-PCR test na bukas din para sa mga dependents ng kanilang mga tauhan.

Dalawa ang nasa Camp Crame na naitayo noong isang taon, 2020, isa ang nasa Davao, at isa ang nasa Cebu. EUNICE CELARIO

One thought on “98.5% NG PNP PERSONNEL SUMAILALIM SA RT-PCR TEST”

Comments are closed.