TINATAYANG aabot sa 987 na on-site informal settler families (ISFs) ang inaasahang magbebenepisyo sa balak na pabahay ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Kaingin Bukid ng Barangay Apolonio Samson sa lungsod.
Ito ay matapos aprubahan ng Quezon City Council nitong Lunes ang PR22CC-760 o Quezon City Council Resolution upang bigyan ng awtorisasyon si Quezon City Mayor Joy Belmonte na makipag negosasyon sa pagbili ng umaabot sa 1,315 square meters na lupain na pag-aari umano ng Chinabank Inc. para sa posibleng proyekto ng pabahay para sa mga naturang ISFs.
“PRC22CC- 760, a Resolution authorizing the city mayor, Honorable Ma.Josefina G. Belmonte, to acquire through negotiated sale and to execute a deed of absolute sale for a parcel of land identified as lot 4606-B-7, LRC PSD-97405, located at Kaingin Bukid, Barangay Apolonio Samson,District 6, Quezon City, registered under the name of China Banking Corporation, covered by Transfer Certificate of Title (TCT) No. 204780, containing an area of more or less one thousand three hundred fifteen (1,315) square meters intended for the development of a socialized housing project for the benefit of on-site informal settler families (ISFs) and other informal settler families of Quezon City,” ang nakasaaad sa naturang resolution na inihain ni Councilor Emmanuel Banjo A. Pilar.
“Housing for the homeless is the top priority of the mayor and the Quezon City government.Chinabank lnc. Inc. is a already a registered owner of a parcel of land located at Kaingin Bukid Barangay containing an area of 1,315 square meters.The purpose of acquiring the said property is to develop the same into a socialized housing project.The purpose of acquiring the said property is o develop the same into socialized housing project on the on site ISF and other intended beneficiaries in Quezon City who will be screened as prequalified beneficiaries of a selection committee,” ang pahayag ni Pilar sa kanyang sponsorship speech sa Konseho.
Bukod dito binanggit din ni Pilar na may 2.5 ektarya pa ng lupain na maaaring isailalim sa expropriation proceedings upang magawan umano ng mga impraestruktura na kinakailangan ng lokal na pamahalaan upang maresolba umano ang palagiang pagbabaha sa lugar tuwing masama ang panahon.
“The 2.5 hectares may be used as a catch basin dahil katabi ng tributaries, streams, lakes to protect these areas against floodings.On top of that the housing project that will be constructed,” ayon kay Pilar.
Ang ilan sa mga naturang ISFs ay kabilang sa mga naninirahan sa Quezon City na matagal ng inirerekomenda ng mga nakaraang administrasyon na irelocate na sa ibang lugar sa siyudad o sa labas nito dahil sa pananatili sa mga itinuring na danger zone tulad ng estero.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia