By: Mark Lester F. Tejada
Mandaluyong City. Isang buhay na naman ang nabago ngayong 2022 matapos tamaan ng isang residente mula sa Negros Occidental ang tumataginting na P98, 551,582.00 Grand Lotto 6/55 jackpot prize na binola noong March 14, 2022 via PTV-4 live telecast. Ang maswerteng tiket na may kumbinasyon na 09-17-45-39-35-15 ay nabili sa La Carlota City, Negros Occidental.
Ilan din sa mga maswerteng nanalo ay ang 9 na manlalaro na nasungkit ang limang tamang numero at makakatanggap ng P100,000.00 bawat isa. Gayundin, merong 668 manlalaro ang nakatama ng apat na numero at makakatanggap ng P1,500.00 bawat isa. Hindi man nakamit ang jackpot prize, maswerte pa rin kung ituturing ang 15,489 manlalaro matapos mahulaan ang tatlong tamang numero at makakatanggap ng P60.00 bawat isa.
Para makubra ang napanalunang premyo, isulat ng malinaw ang pangalan at lagdaan ang likod na bahagi ng nanalong tiket bago magtungo sa lotto outlet or sa tanggapan ng PCSO at magdala ng dalawang valid government IDs.
Maging ang ahente ng lotto outlet kung saan tumaya ang manlalaro ay makakakuha ng 1% ng jackpot prize o hindi hihigit sa isang (1) milyong piso bilang komisyon sa pagbebenta ng nanalong tiket.
Alinsunod sa RA 1169, ang mga nagwagi ay bibigyan ng isang (1) taong palugit mula sa araw ng bola upang kubrahin ang premyo. Dagdag dito, ang mga premyo ng lotto jackpot ay maaari lamang makubra sa PCSO Main Office na matatagpuan sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Ang PCSO ay nagpapaalala na may kaakibat na 20 percent tax ang napanalunang jackpot prize alinsunod sa TRAIN LAW.
“P20.00 katumbas ng isang daang ngiti mula sa kapwa natin Pilipino”
Para sa karagdagang impormasyon at iba pang detalye ng mga laro, produkto at serbisyo ng PCSO, mangyaring bisitahin ang PCSO official website at PCSO FB page, at ang PCSO GOV channel sa Youtube.