99% NG SAP 2 CASH AID NAIPAMAHAGI NA NG DSWD

DSWD-SAP2

NAIPAMAHAGI na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang second tranche ng social amelioration program (SAP 2) sa may 13,968,805 pamilyang benepisyaryo sa bansa.

Sa SAP monitoring data ng ahensiya noong Oktubre 11, ang ipinamahaging SAP 2 funds sa naturang mga pamilya ay nagkakahalaga ng P83.5 billion.

Ang mga pamilyang nabigyan na ng cash aid ay umabot na sa 99 percent ng target nitong 14.1 million beneficiaries.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang nasabing mga pamilya ay kinabibilangan ng 1.3 million Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries; mahigit sa 6 million low-income at non-4Ps recipients;  mahigit sa  3.2 million waitlisted, low-income, at and non-4Ps households nationwide; at mahigit sa1.8 million ‘waitlisted’ beneficiaries mula sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ang numero ay kinabibilangan din ng may 242,453 transport network vehicle service at public utility vehicle drivers na inirekomenda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Para sa second tranche ng SAP, ang DSWD ay tumugon sa joint memorandum circular na nagsasaad na sakop nito ang 11 lugar na nananatili sa ilallm ng enhanced community quarantine noong Mayo 31.

Ang mga ito ay ang Region III (Central Luzon, maliban sa Aurora province), National Capital Region (NCR), Region IV-A (Calabarzon), Benguet, Pangasinan, Iloilo, Cebu Province, Bacolod City, Davao City, Albay province, at Zamboanga City.      PNA

Comments are closed.