9,900 DOSES NG SPUTNIK V NATANGGAP NA NG PNP

KINUMPIRMA ni Philippine National Police (PNP), The Deputy Chief for administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt Gen. Joselito Vera Cruz na natanggap na nila ang nasa 9,900 doses na Sputnik V vaccine component II nitong Setyembre 21, matapos ang dalawang buwang paghihintay.

Ayon sa heneral na i-deliver sa kanila ng Department of Health (DOH), National Vaccination Operations Center (NVOC) ang Sputnik V vaccine na tinanggap ng PNP Health Service.

Nagpapasalamat ang PNP sa NVOC sa pagdating ng mga nasabing bakuna dahil matuturukan na rin ng second dose ang mga nag-aabang na mga police personnel.

Giit ng Heneral, ngayong panahon mataas ang surge ng Delta variant ay mahalaga na maging fully vaccinated ang mga pulis.

“Kami sa PNP ay lubos na nagagalak at nagpapasalamat sa allocation ng 9,900 2nd dose ng Sputnik V vaccines mula sa NVOC sapagkat alam namin na ito ay magbibigay ng karagdagang proteksyon sa aming hanay na nauna nang nabigyan ng 1st dose ng Sputnik V vaccines. Sa panahon ng pananalanta ng Delta Variant sa ating bansa, malaking bagay sa ating mga kapulisan ang pagiging fully vaccinated upang maipatupad namin ang aming mga tungkulin ng walang anumang pasubali at pag-aalala,” mensahe ni Vera.

Kahapon ay sinimulan ang vaccination ng Sputnik V vaccine second dose sa Camp Crame.
Ngayong araw ay naka-iskedyul ang vaccination sa PNP AvseGroup, September 24 naman sa PNP Special Action Force at Setyembre 27 naman sa Philippine National Police Academy. EUNICE CELARIO

8 thoughts on “9,900 DOSES NG SPUTNIK V NATANGGAP NA NG PNP”

  1. 93253 63561The posh distributed could be described as distinctive; customers are actually yearning for bags can be a Native aspirations. Which strange surroundings is built that is to market diversity furthermore importance with travel and leisure market trends. hotels particular offers 866547

Comments are closed.