INIHAYAG kahapon ng Department of Health (DOH) na nadagdagan ng 270 ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 9,956 ang total recoveries ng nasabing sakit sa Pilipinas.
Gayunpaman, nadagdagan pa nang halos 1,000 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19.
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang alas-4 ng hapon nitong Lunes, umabot na sa 36,438 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 985 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 643 ang “fresh cases” habang 342 ang “late cases.”
Gayundin, nasa 11 pasyente ang nasawi kung kaya’t ang COVID-19 related deaths ay umabot na sa 1,255 na.
Comments are closed.