A BREATH OF FRESH AIR IN THE MIDDLE OF THE CITY

Naghahanap ako ng lugar na pwedeng pasyalan sa loob ng Metro Manila kapag pakiramdam ko ay sobra na ang polusyon ng hanging aking nalalanghap.

Dahil lumaki ako sa probinsya, hinahanap-hanap ko paminsan-minsan ang mabangong hangin, hindi tulad ng hinihinga natin tuwing sasakay tayo ng bus, na puno ng polusyon at usok. At natagpuan ko ang La Mesa Ecopark, na ilang kilometro lamang pala ang layo sa lugar na 13 taong kong tinirahan.

Sa maliit na halaga lamang (Php 50), kahit non-QC residents ay pwedeng  mag-enjoy sa La Mesa ecopark, na matatagpuan sa tagong bahagi ng Fairview, Quezon City. Mayroon ditong function hall na ilang metro lamang ang layo sa entrance gate, kaya pwedeng mag-birthday party.

Napakaraming features ng ecopark na pwedeng ipang-entertain ng guests. May zipline, horseback riding, swimming pool, picnic areas, at marami pang iba. Yung nga lang, maraming tao lalo na kung weekends. Kung ayaw mo ng masyadong matao, pumunta ka sa weekdays.

Isinara ang mga restaurants sa loob mula noong pandemic at karamihan ay hindi pa rin nagbubukas kaya mas mabuting magdala ng pagkain at inumin para siguradong hindi kayo gugutumin. Mag mage-enjoy lang kayo sa green environment.

Pwedeng magdala ng sariling bike at scooter kung gusto ninyo, ngunit pwede rin namang mag-hire na lang para walang hassles.

Pwede ring mag-swimming dahil may malaking swimming pool, pero mas nagustuhan ko ang Butterfly haven.

At wow, may calesa ride at target shooting. May archery rin! Sa­yang, wala nang oras, hindi ko na-try.

Masarap mag-stroll sa mini forest, kaya lang, napakaraming insektong nangangagat, kaya maghanda kayo ng Off lotion para sigurado, at magsoot din kayo ng long pants.

Mahaba ang hagdan papuntan sa  dam, pero may isa pang swimming pool sa loob at pwede ka ring mag-water bike na sobrang na-enjoy ko talaga.

Konti lang ang bukas na restaurants pero maraming stalls kung saan pwedeng bumili ng tokneneng at gulaman. May mga nakita pa nga akong nagpi-picnic sa ‘mini’ rice terraces at nagpipiktyuran. Hindi ko sure kung pwedeng mag-overnight dito, pero sana, pwede. Para kasing ang sarap magpa-party sa joint-birthday namin ni Mommy.

JAYZL NEBRE