Kaye Nebre Martin
Dalawang kapuspalad na ina ang ipi-feature natin ngayong araw na ito, para ma-appreciate naman ng mga anak ng single moms kung ano ang pinagdaanang hirap ng kanilang mga ina bago sila napalaki.
Unahin muna natin ang depinisyon ng single mother. Siya yung babaing pwedeng inanakan lang tapos ay iniwan. Pwede rin namang pinakasalan, inanakan, nagtiis ng ilang panahon sa piling ni mister sa pag-asang baka magbabago pa, pero kalaunan ay iniwan din at napilitang mag-isang itaguyod ang mga anak. Pwede rin namang nabiyuda kaya naiwang nag-iisa. Wow! Napakasakit, Kuya Eddie. Napakagandang istorya para sa Magpakaylanman. Sayang, wala nang Maalaala mo kaya.
Mahirap maging single mom. I should know dahil isa ako sa kanila. Mayroon itong emotional challenge na kailangang pagdaanan. May kahalong lungkot at depresyon, na kung minsan, gusto mo na lamang mamatay para matapos na ang lahat.
Laging dumaraan ang kakulangan ng pera sa mga single mothers, kaya nagi-guilty sila dahil feeling nila, hindi na nga nila maasikaso ng husto ang kanilang mga anak, kinakapos pa sa pangangailangan. Ginagawa naman niya ang lahat ng paraan at hindi siya sumusuko kahit hirap na hirap na siya, pero kulang at kulang pa rin.
Ginagawa ng single mom ang lahat ng paraan kapag may problema. Gagawa at gagawa siya ng paraan, kesehodang mabaon sa utang. Hindi siya sumusuko. Naniniwala siya sa kakayahan ng kanyang pamilya kahit pa nahihirapan sila. Alam niyang higit sa lahat, makasasapat ang pagmamahal ng ina kahit magdahop pa sila.
Nag-interbyu kami ng dalawang single mothers na napatunayang kahit nag-iisa sila ay nagampanan nila ng maayos ang positive parenting. Naging maayos ang kanilang mga anak dahil naibigay nila ang tamang pag-aalaga, ang init ng pagmamahal, ang pagiging sensitibo sa nararamdaman ng iba, ang pagiging responsive at pagiging flexible.
Ayon kay Josielin Ferrer Guevarra, ang matibay na relasyon sa mga ank ay binubuo sa pamamagitan ng positibong atentsyon, quality time at interes. Malinaw dapat ang mga rules at limitasyon upang makahikayat ng positibong pag-uugali. Ito ang makatutulong sa mga bata upang makaramdam ng seguridad kahit iisa lamang ang kanilang magulang.
“Pamilya pa rin kami kahit walang ama sa bahay,” ani Josie. “Actually, parang nakawala ako sa napakabigat na responsibilidad nang iwan kami ng asawa ko. Of course, mahirap maging single mother, pero mas mabuti na ‘yon kesa lumaki ang mga anak kong nakikita nilang sinasaktan ako ng kanilang ama. Wala naman siyang naitutulong kaya mas mabuti na ‘yong nawala sya.”
Relief ang naramdaman ni Josie nang sumama sa ibang babae ang kanyang asawa.
“Hindi ko naman inaasahang mauunawaan ito agad ng aking mga anak,” dagdag pa ni Josie. “Pero inasahan ko rin ang kaniang suporta at cooperation. The good thing is, natutuhan agad ng mga anak ko ang kanilang mga responsibilidad at pinilit nilang gawin ito ng tama.”
Nakaka-overwhelm ang mga responsibilidad ng isang single mom. Kailangan mong kumita ng pera, mag-alaga ng mga anak at ayusin ang bahay, bukod pa sa mga gawaing bahay na kailangan mong gampanan – ng nag-iisa. Pero kinaya ‘yon lahat ni Josie. At ngayon, maayos na ang kanilang mga pamilya. Asaya na rin si Josie sa kanyang mga apo.
Nahirapan din si Cristina Cabadin Romasanta nang iwan sila ng kanyang asawa para sa ibang babae.
“Matagal na ‘yon at halos hindi ko na matandaan kung ano ang naramdaman ko, pero hindi ko malilimutang apektado an gaming finances and resources,” ani Cristy. “Bigla, nagising ako at na-realize kong single mom nap ala ako.”
Pero hindi siya nagpatalo. Sinikap ni Cristy na maging resilient, independent, masipag at determinadong babae, para masuportahan ang kanyang mga anak. Mahirap mag-let go sa galit at resentment, pero ginawa niya ang lahat para sa kanyang mga anak.
“It was actually a relief,” ani Cristy. “Nakawala ako sa pagkakakasakal, sa supresyon ng isang taong pilita akong ibinabaon. Nang mawala siya, fine, nahirapan ako, pero maluwag naman ang pakiramdam ko. Hindi na ako nanunulay sa alambre. Hindi ko na siya kailangang pakisamahan.”
Sa napakahabang panahon, nag-iisa niyang pinalaki ang kanyang mga anak na umaasa lamang sa sarili niyang kakayahan. Sa pakikipaghiwalay niya, nakita niyang humarap ang kanyang mga anak sa emotional and behavioral health challenges. Nakadagdag pa ito sa sa mga dalahin niya sa buhay. Alam niyang may epekto ito sa psychological well-being nilang lahat. Isa pa, malaking hamon talaga ang magpalaki ng anak na mag-isa. Pero nalampasan niyang lahat ito, at ngayon ay masaya na siya kasama ang kanyang mga apo.
Mahalagang maging responsible ang isang single mother upang mapatakbo niya ng maayos ang kanyang pamilya.
Ang pamilya kasi ay parang bisikleta. Dapat, dalawa ang gulong para malayo ang marating. Pero kung rent household can be more peaceful than a two-parent family. A single-parent family will have fewer arguments. This can make the home environment less stressful. Your children will feel safer and more secure in such a house.
What is a single mom vs solo parent?
Single mums have often made a conscious decision to have a child or raise it alone without being in a committed relationship. Solo parents are often self supporting with some government assistance.