A TASTE OF ITALY IN BGC

May isang Venice-inspired mall sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig kung saan libo-libong manlalakbay ang dumarayo dahil sa napakaganda nitong architecture na kamukhang kamukha ng Grand Canal sa Italy — ang Ve­nice Grand Canal Mall.

Isa itong open-air mall, kung saan pwede mong maranasan ang traditional gondola ride kasama ang mga singing gondoliers, at pwede ka pang magsabit ng love lock sa Ponte de Amore Bridge. Pwede ka ring maglakad-lakad sa mga bazaars at novelty shops kapag nagutom ka o gusto mong bumili ng kakaibang souvenirs.

Pet-friendly rin ang mall kaya pwedeng dalhin ang inyong furry babies.

Sa weekday mornings, pipila ka talaga sa gondola ride.

Sa totoo, hindi lamang landmark ang Grand Canal of Venice sa Italy. Isa itong siyudad na puno ng kasaysayan, isang artistic hub, at architectural spectacle. Pinagsama itong history at beauty na isa sa mga top-rated na dinarayo ng lahat. Kaya nga ang replica nito sa BGC ay napakagandang destination.

Itinayo ito sa financial and lifestyle district ng BGC. Bahagi ang BGC ng main Philippine Army Camp, kaya dinarayo ito ng mga sundalo. Libre kasi ang entrance dito at bukas mula 10:00 am hanggang 11:00 pm. Pero kung gusto mong sumakay sa gondola — na kamukhang kamukha o baka mas maganda pa sa mga gondola sa Venice, Italy, magbabayad ka ng P500 per person. Kung gusto naman ninyong walang kasama, magbabayad ka ng P2,000Kayang i-accomodate ng gondola ang anim na tao. Pwede mong i-book ang isang gondola para sa pamilya.

At magkakaroon ka nga ng Venetian-inspired experience. Ang artificial canal sa gitna ng open mall ang standout feature dito. Dito ka nga makasasakay sa gondola na para kang nasa Venice. Pinatatakbo ito ng mga gondoliers na nakasoot ng traditional Venetian costumes — at kumakanta rin sila!

Sa mall, pwedeng mag-shopping, kumain, at mayroon pang entertainment options, kasama na ang maraming shops at boutiques  para sa window shopping. Mayroon ding live performances. May sinehan din, makapigil-hiningang mga tanawin para sa relaxation at selfie, at mga venue para sa special events at mga ce­lebrations.

Syempre, ang canal ang centerpiece ng mall at ang pinakapopular sa lahat. Idagdag pa ang replica ng Rialto Bridge kung saan pwedeng mag-wish.

Meron ding Ponte de Amore Bridge, ang hugis-pusong tulay na paborito ng mga lovers. May mga dekorasyon itong mga ilaw at mga bulaklak, complete with love locks. Napakaganda rin ng lugar para sa mga vloggers.

O, paano? Bisitahin ang Italy kahit konti lang ang pera mo.

 — JAYZL VILLAFANIA NEBRE