MARAMING mga Pinoy ang nangangamba na mawalan ng trabaho dahil sa patuloy na pag-akyat ng bilang ng kaso ng Covid-19 sa ating bansa. Walang pinipiling lugar ang pagkalat ng nasabing sakit, sa lungsod man o sa lalawigan.
Mabuti na lang at patuloy na nakikipagtulungan ang pamahalaan at ng mga pribadong sektor upang makatulong sa ating mga mamamayan na makatawid sa kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay pangkabuhayan lalo na sa mga karatig probinsiya sa bansa.
Isa rito ay ang kompanyang Atimonan One Energy (A1E) na bago pa man magka-pandemya sa bansa ay tinutulungan na ang komunidad sa Atimonan Quezon na magkaroon ng maayos na pamumuhay sa pamamagitan ng kanilang programang ‘Kaisa sa Pagsulong’.
Nakipagtulungan ang A1E sa Habitat for Humanity Philippines noon pang 2017 para itatag ang Carinay Housing Project na nagbigay nga kabahayan para sa 47 pamilya ng Sityo Carinay, Atimonan. Dagdag pa rito ay tinuruan sila ng wastong teknolohiya sa paghahalaman. Binigyan sila ng kalahating ektarya ng lupa para taniman ng mga gulay at iba pang maari nilang gapasin upang may makain at maitinda sa kabayanan.
Sa pamamagitan ng ‘Kaisa sa Edukasyon’ programa ng A1E, sinuportahan ng kompanya ang distance learning na pamamaraan ng pagtuturo ng gobyerno dahil sa COVID-19. Nakipagtulungan ang A1E sa Rex Bookstore para mamigay ng mga aklat na nagkakahalaga ng P6.6 milyon piso sa estudyante ng 7,000 elementarya at mag-aaral ng 28 publikong sekondaryong paaralan.
Malaking tulong ang pamimigay ng aklat sa mga mag-aaral ng Atimonan na magagamit nila para ipagpatuloy ang kanilang naudlot na pag-aaral dahil sa pandemya.
Ipinakita rin ng A1E ang tamang pangangalaga sa ating kalikasan sa pamamagitan ng patuloy na pagtatanim ng mga puno, bakawan at paglilinis ng mga baybayin ng karagatan sa Atimonan.
Nakapagtanim na ang A1E kasama ang ilang kasapi sa program ng aabot sa 17,000 indigenous at mga punong namumunga sa buong munisipalidad. Ang balak nila, magtayo ng 1,000 mga puno kada taon na napapaloob sa proyekong ‘Project 1K’.
May proyekto rin ang A1E na ‘Kaisa sa Kabuhayan’, sa pakikipagtulungan sa mga non-government organization (NGOs) at lokal na gobyerno sa Atimonan, para turuan ang mga residente ng iba’t-ibang paraan na pangkabuhayan tulad ng Heavenly Touch Therapeutic Massage, Atimonan Haircutters Association, at Atimonan Coastal Food Production Association na gumagawa ng sarili nilang bersiyon ng Spanish sardines.
Nakikipagtulungan na rin ang A1E sa Atimonan Employment Service Office (PESO) para mabigyan ng tabaho ang mga lokal na residente ng Atimonan sa mga proyekto nila sa bayan. Mayroon ng 361 na mga taga Atimonan ang kinuha ng PESO sa kanilang proyekto sa bayan.
Ang AE1 ay nagtatayo ng planta ng enerhiya sa Atimonan, na isang malaking proyekto na magiging isa sa paraan para mapaunland ang munisipilidad at gawing itong isang ‘smart city’. Ang PESO ang kontraktor ng AE1 sa kanilang proyekto sa Atimonan.
Ang sabi ni Meralco PowerGen (MGen) President at CEO na si Rogelio Singson na nais nilang makatulong sa komunidad ng munisipyo ng Atimonan upang maging progresibo sa ilalim ng tinatawag na Comprehensive Land Use Plan (CLUP).
Nawa’y tularan din ng ibang mga kompanya ang ginagawa ng A1E at MGen at hindi lamang pansariling interes ang iniisip. Naniniwala ako na kung ano ang tinanim mo, ganoon din ang aanihin mo. Ang AE1 ay subsidiya ng MGen, na siya namang power generation arm ng Meralco.
106626 636101We are a group of volunteers and opening a new system in our community. Your internet internet site given us with valuable details to work on. Youve done an impressive job and our entire community will be grateful to you. 361199