(Aabutin pa ng mahigit 2 taon –ex DA chief) P20/KILO NG BIGAS HINDI PA KAYA

BIGAS-14

HINDI kaagad maibababa ng Pilipinas ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo, ayon sa dating kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni dating DA Sec. Leonardo Montemayor na aabutin ito ng mahigit dalawang taon.

“Within 6 years, at least, we will have laid the foundation,” ayon kay Montemayor.

Ayon naman sa presidente ng farmers’ group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na si Rosendo So, kasalukuyang tumataas ang presyo ng gasolina at maaari itong maging hadlang sa pagpapababa sa presyo ng bigas.

“’Di talaga kaya sa ngayon. In the future kung ang seed production natin umabot 8 tons or 7 tons average baka puwedeng mangyari ‘yun pero sa ngayon, ang target pa natin 6 tons for the next 3 years dahil ‘yun lang ang kaya na napo-produce ng field rice,” aniya.

“If you are producing more, you need more inputs na (of) fertilizer and irrigation.”

Tinukoy rin ni Montemayor ang pagbabago ng klima bilang isa sa mga hamon na kinakaharap ng sektor ng agrikultura.

“Maybe revise the way we position our agriculture production areas. Pagka halimbawa masyadong prone to typhoons, maybe less on coconut tree replanting… more push on bamboo production,” ayon kay Montemayor.

– LIZA SORIANO