AANGKAS KA BA?

edwin eusebio

Mainit na isyu ngayon at Punto ng pagtatalo

Ang Motorsiklo na ginawang pampasahero.

Ito raw kasi ay delikado sadyang Peligroso,

Higit lalo na sa Abalang Kalye, saan mang dako.

 

Gayunman naging kapansin-pansin at nakababahala,

Ang mga bilang na dumarami sa Motorsiklong Sakuna.

Nubenta Porsiento ang dami, totoong nakabibigla…

Pang siyam na Cause of Death ngayon dito sa Bansa.

 

Sa Panayam ng aming Lakay Rolly Gonzalo,

Sinabi ni Ariel Inton na isang abogado…

Hanapan ng Solusyon ang Isyu ng Motorsiklo

Kung bawal aniya ito, bakit pinapayagang marehistro.

 

Dapat aniyang magkaroon ng angkop na Probisyon

Sa pag-aarkila ng Motorsiklong “in na in” sa ngayon.

Dapat na bumalangkas ng Batas at klasipikasyon,

Kung ang Motorsiklo ay pribado o pampasahero.

 

Kaya naman bago kayo Mangahas na Umangkas,

Tanungin mo muna ang sarili kung sadya kang matikas.

Makakaya mo bang bumalanse sa Rider na Maangas

Kung umasta sa kalye ay parang nagmamadaling Balasubas.

 



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.