(Aarangkada na ngayong araw) KADIWA NG PANGULO EXPO

MAGBUBUKAS na ang tatlong araw na KADIWA ng Pangulo Expo 2024 ngayong Martes sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City

Ang KNP Expo ay tatampukan ng mahigit 100 farmer exhibitors, at ilalantad ang “Bigger, Better, More” KADIWA models, kabilang ang KADIWA food hubs, centers, stores, model trucks, carts, at ang KADIWA App— na ang bawat isa ay dinisenyo upang padaliin ang paghahatid ng mga sariwang produkto mula sakahan hanggang pamilihan.

Ang event ay tatampukan din ng live cooking demos sa pamamagitan ng KUSINA ng KADIWA, at direct market linkages sa institutional buyers, at agribusiness investment forums.

“KNP is part of President Marcos’ vision of a food-secure Philippines under the Masaganang Bagong Pilipinas–where ideally every Filipino family has a food on their table and farmers and fishermen earn decent returns for their labor,” wika ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Genevieve Guevara, head ng KNP program, ang expo ay bukas sa publiko mula November 26 hanggang 28.

“We want our kababayans to see what the KADIWA ng Pangulo Program has achieved especially the results of the collaboration between the government, farmers and fisherfolk, and our private stakeholders to achieve PBBM’s promise of a food-secure Philippines, and that we are continuously working together to come up with innovative ways to fulfill that promise,” sabi ni Asec. Guevarra.

Isasagawa ng DA ang KNP sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development, Presidential Communications Office, at ng Presidential Management Staff. MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA