SIMULA ngayong araw ay maniningil na ng toll fee ang pamunuan ng Skyway Stage 3.
Nauna rito ay ipinagamit sa mga motorista nang libre ang 18-kilometer Skyway Stage 3 sa loob ng pitong buwan.
Sa isang pahayag, sinabi ni SMC President Ramon S. Ang na gagamitin nito ang revised toll fee matrix na mas mababa sa orihinal na ipinanukalang toll fees, partikular para sa mga motorista na bumibiyahe sa mas maikling distansiya.
Ito ay kasunod ng pag-iisyu ng Toll Operating Permit at Notice to Start Collecting Toll ng Toll Regulatory Board (TRB) sa Skyway Stage 3.
Ayon kay Ang, isinaalang-alang sa revised toll matrix ang pandemya, ang epekto nito sa ekonomiya at sa mga Filipino.
“We thank the TRB for helping us determine the most equitable toll rates for our motorists. We know from experience that times are hard for many, and even a little relief for motorists can go a long way. These toll rates reflect our deferral of the collection of a substantial amount of the cost to build Skyway 3. We also further lowered the rates for those traveling shorter distances,” sabi ni Ang.
Sa huli, tiniyak naman ni Ang na ang makokolektang kita mula sa toll fees ay gagamiting ng kanilang kompanya para lalo pang mapaganda ang operasyon sa naturang expressway.
342226 541115Thanks for all your efforts that you have put in this. quite interesting information . 233496