MAGSASAGAWA ang Light Rail Transit Authority (LRTA), sa pakikipagpartner sa city governments ng Manila at Antipolo, ng vaccination drive sa mga piling istasyon ng LRT-2 simula sa Martes, Peb. 22.
Nauna nang inanunsiyo ni Transportation Secretary Art Tugade na gagamitin ang railway stations bilang vaccination sites.
“We are making COVID-19 vaccines easily available, accessible, and convenient to the riding public,” wika ni LRTA administrator Jeremy Regino sa isang news release.
Ang mga commuter ay maaaring mag-avail ng first dose at booster shots sa Recto Station tuwing Martes at Huwebes, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, at sa Antipolo Station tuwing Miyerkoles at Biyernes, mula alas-8:30 mg umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Maaaring magpatala sa https://manilacovid19vaccine.ph/home.php for Recto station vaccination and https://antipolobantaycovid.appcase.net/ para sa Antipolo.
“We encourage our commuters and their family members to get booster jabs for added protection as well as those who have no vaccines yet to avail of our vaccination drive,” ani Regino.
Ang Philippine Red Cross vaccine buses ay idineploy rin sa LRT- 2 depot noong Peb. 12 habang ang Manila health care workers ay nasa Recto Station noong Peb. 15 at 17 para magbigay ng booster shots.