(Aayuda sa pagbangon ng MSMEs) GUIDE BILL SUPORTADO NG BIZMEN

Ed Lim

HINILING sa Kongreso ng isang grupo ng top financial executives sa bansa ang pagpasa sa isang bill na naglalayong tulungan ang distressed micro, small and medium enterprises (MSMEs).

“We at FINEX strongly urge the passage of the GUIDE bill,” wika ni Francisco Ed Lim, presidente ng  Financial Executives Institute of the Philippines.

Ayon kay Lim, bagama’t pinupuri nila ang Kongreso sa pagsusulong sa CREATE bill at sa pagsasabatas sa FIST bill, ang GUIDE o Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery bill ay kinakailangan din para sa pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng COVID-19.

“We see the need for other measures that will further help businesses to recover from the pandemic and navigate through challenges that lie ahead. One such measure is the GUIDE [bill] that has been pending in Congress,” aniya.

Layon din ng GUIDE bill na magkaloob ng pondo para sa MSMEs sa pamamagitan ng pagpapasok ng bagong kapital sa government banks tulad ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines, gayundin ng incentives at exemption privileges sa lending at investing activities ng Landbank, DBP at Philippine Guarantee Corp.

Comments are closed.