ABALANG 2019 SA PH TRACKSTERS

PH TRACKSTERS

MAGIGING abala ang Pinoy tracksters sa 2019 kung saan inimbitahan ang mga ito na lumahok sa 19 international athletics competitions, karamihan ay gagawin sa Asia.

Sa 19 foreign invitations na ipinadala sa tanggapan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), lima ay sa China, kasama ang da­lawa na idaraos sa Hong Kong.

Ang mga ito ay ang two-leg Asian Grand Prix Athletics Championships na gaganapin sa lalawigan ng Chongqing at ang 17th Asian Marathon sa Nobyembre bago ang 30th Southeast Asian Games.

Ang torneo sa Hong Kong ay ang 3rd Asian Youth Athletics at ang Inter-Cities Marathon sa Hunyo.

Dahil limitado ang budget, sinabi ni PATAFA president Philip E. Juico na piling-pili ang lalahukan ng kanyang mga atleta at yaong makatutulong sa kanilang paghahanda para sa SEA Games.

“Our athletes will compete in tournaments beneficial to them. Because of financial constraint, we will limit our participation,” wika ni Juico.

Ang iba pang overseas competitions ay ang Asian 20km Race Walk (Nomi, Japan), 23rd Asian Athletics at IAAF World championships (Doha, Qatar), Singapore Open Athletics, Taiwan Open at Taiwan Indoor Pole Vault, Thailand Open, Malaysian Open, Korea Open, Vietnam Open at 7th Mokpo International Throws sa Korea.

Ang dalawang torneo na gaganapin sa labas ng Asia ay ang IAAF World Cross Country sa Marso sa Aarhus, Denmark, at ang IAAF World Relay Championships sa Mayo sa Nassau, Bahamas.

Bukod sa overseas competitions, ang mga Pinoy trackster ay sasabak din sa foreign-laced Philippine Athletics Open Championship at sa 14th Southeast Asian Youth Athletic na idaraos sa bansa.

Ang national team ay kinabibilangan nina Brazil Olympians Eric Shawn Cray at Mary Joy Tabal, Fil-Am Anthony Trenten Beram, Aries Toledo, Ernest John Obiena, Edgardo Alejan, Mark Harry Diones, Archand Christian Bagsit, Patrick Ma. Sacro Unso, Clinton Kingsley Bautista, Janry Ubas, Joan Caido, Marco Bilog, Francis Medina, Immuel Camino, Jomar Udtohan, Melvin Guarte, Jesson Ramil Cid, Christopher Ulboc at Riezel Buenaventura. CLYDE MARIANO

Comments are closed.