INAASAHANG sasalubungin ng makasaysayang Rizal Memorial Coliseum (RMC) ang maraming events sa newly-refurbished facility nito ngayong 2020.
“We are very optimistic. There are a lot of events lined up in our calendar and we are excited to host them here inside this historical coliseum,” wika ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Noong nakaraang taon, ang coliseum ay nagbalik sa spotlight makaraan ang major makeover nito noong Hulyo kung saan karamihan sa mga pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex ay kinumpuni bilang bahagi ng masterplan ng ahensiya.
Sa katatapos na 30th Southeast Asian Games na idinaos sa bansa noong nakaraang November 30 hanggang December 11, lima sa 56 sports ang nilaro sa 93-year-old complex.
Isa rito ang gymnastics na ginanap ang mga kumpetisyon sa levelled-up Rizal Memorial Coliseum.
Ang 6,100 seating indoor arena ay naging main sporting hub para sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), National Collegiate Athletic Association (NCAA) at PBA games.
Umaasa ang PSC na muling maidaraos ang nasabing mga torneo sa RMSC matapos ang renobasyon ng venue.
Ngayong Enero ay ipagdiriwang ng PSC ang ika-30 anibersaryo nito at bilang panibagong milestone sa kasaysayan ng ahensiya, plano ng highest local sports body na mag-organisa ng simple, subalit makahulugang selebasyon sa loob ng Rizal Memorial Coliseum.
“This is a milestone for PSC. As we celebrate our 30th year, we want it to be inside the Rizal Coliseum which has seen many significant events in Philippine Sports,” wika ni Ramirez.
Bukod sa ika-30 anibersaryo ng PSC, kinokonsidera rin ng ahensiya ang pagdaraos kapwa ng Batang Pinoy at Philippine National Games ngayong taon sa RMSC at sa isa pa nitong complex sa Pasig City, ang Philsports Complex. Kung matutuloy ito, magiging unang pagkakataon ito na idaraos ang Batang Pinoy sa Manila sa 12 editions nito.
Plano ring isagawa ang ika-4 na pagluklok sa Philippine Sports Hall of Fame sa RMSC. Pararangalan sa naturang okasyon ang isa pang batch ng Filipino sports greats sa Nobyembre 27. CLYDE MARIANO
Comments are closed.