(Abalos sa BFP) AKREDITASYON NG VOLUNTEER FIRE BRIGADES HIGPITAN

INATASAN kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur’ Abalos ang Bureau of Fire Protection (BFP) na magkaroon ng mas mahigpit na proseso ng akreditasyon para sa mga volunteer fire brigades.

Ginawa ni Abalos ang pahayag matapos masagasaan ng rumespondeng fire truck ang ilang residente sa Tondo, Maynila nitong Agosto 14 na ikinasawi ng isang 62-anyos na babae at ikinasugat ng walong indibidwal.

Inatasan ng kalihim ang BFP na magpatupad ng mas mahigpit na mga alituntunin para sa akreditasyon ng mga volunteer fire brigades.

Hiniling di niya sa BFP na magtakda ng mga kuwalipikasyon para sa volunteer firefighters at fire truck drivers.

“I told the BFP chief to review thoroughly the present guidelines for accreditation, especially the qualification for drivers. Kasi kapag emergency, mabilis ang takbo ng mga sasakyan at baka makapasok sila. isang aksidente,” giit ni Abalos.

Aniya, tiyakin na ang mga kukuning fire truck drivers ay walang rekord ng reckless driving, aksidennte at dapat ding pumasa sa mga drug test at neuropsychiatric exams.

“Kung maaari, dapat mag-seminar sa mga pagsusulit sa emergency driving. Ang importante ay i-review nang maayos ang present guidelines,” giit ni Abalos.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Abalos sa pamilya ng biktima na namatay sa insidente at nakiusap sa kinauukulang volunteer fire brigade association na magigay ng tulong sa mga nasugatang biktima.

Dagdag ng DILG chief, ang driver ng truck na kinilalang si Rodolfo Pineda, 27, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injuries, at damage to property.
EVELYN GARCIA