PINURI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. si Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. at iba pang police officials matapos na agad na maghain ng kanilang courtesy resignation.
Ayon kay Abalos, umaasa siyang mas marami pang opisyal ng pulis ang susunod sa yapak ni Azurin at ng mga naturang police officials.
“The Department of the Interior and Local Government (DILG) salutes all PNP colonels and generals including PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. who have tendered their courtesy resignation to give way to the government’s internal cleansing efforts within the police organization,” ani Abalos.
“I acknowledge PNP Chief Azurin’s commitment to this cause by demonstrating leadership by example among his fellow officials and true honor and integrity in service. I hope his noble action paves the way and inspires other PNP officials to do the same. Salamat sa pangunguna sa ating laban kontra iligal na droga,” dagdag pa niya.
Matatandaang una nang nanawagan si Abalos sa mga full colonels at generals ng PNP na maghain ng courtesy resignation.
Bilang bahagi ito ng paglilinis sa hanay ng pulisya, na ang ilang opisyal ay sinasabing nasasangkot umano sa ilegal na droga.
Noong Huwebes, inianunsiyo ni Azurin na naghain na siya ng courtesy resignation, gayundin ang iba pang colonels at generals sa loob ng PNP command group.
Nabatid na bukod kay Azurin, kabilang rin sa naghain na ng courtesy resignation ay ang mga opisyal ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pangunguna ni regional director, Maj. Gen. Jonnel Estomo.
EVELYN GARCIA