INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILDP) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos na dapat magpasa ng mga ordinansa ang local government units (LGUs) na magbabawal sa mga “colorum” na sasakyan na gumamit ng kanilang mga transport terminal sa kanilang mga nasasakupan.
Base sa abiso, sinabi ni Abalos na naglabas siya ng Memorandum Circular 2024-26 kasunod ng pagkakaaresto sa isang “Jaz Abalos” na nagsabing pamangkin umano ng DILG chief, at nagtangkang makipag-negosasyon sa mga enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nahuling may expired na van registration.
“This has been a persistent issue on the ground. I am directing our LGUs na tiyaking hindi makapag-operate ang mga colorum operators na ito,” aniya.
Sa ilalim ng circular, inaatasan ang mga LGU “to ensure that all operating public transportation services must have appropriate franchises or certificates of public convenience (CPC) from the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), before they are allowed to use transport terminals and ply their routes.”
Inatasan din ang mga LGU na magsagawa ng inspeksyon ng mga public utility vehicle sa mga terminal sa kanilang mga nasasakupang lugar, at sa mga kalsada para sa checkpoint, pagrereport ng mga colorum operator sa LTFRB at Land Transportation Office (LTO).
“At the end of the day, ang safety ng ating mga pasahero ang ating gustong mabantayan dito kaya napakahalaga na manguna ang ating mga LGU upang matigil ang operasyon ng mga colorum operators na ito,” ayon kay Abalos.
EVELYN GARCIA