ABALOS SA MGA MAGULANG: ANAK BANTAYAN VS DROGA

NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. sa mga magulang na turuan ang kanilang mga anak at bantayan upang makaiwas laban sa illegal drugs.

“Teach our children to say no to drugs,” pahayag pa ni Abalos matapos na pangunahan ang paglulunsad ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program sa ABL Sports and Cultural Center, Kalibo, Aklan kamakailan.

Tinalakay rin ni Abalos sa kanyang mensahe ang pagbabago, repormasyon, at pag-unlad ng kabataan, sa pormal na paglulunsad ng BIDA Campaign sa Kalibo, Aklan.

Kasabay nito, pinaalalahanan rin niya ang mga magulang na gawin ang makakaya upang mahubog ang mga kabataan tungo sa tamang landas at malayo sa iligal na droga.

“Walang tao ang walang problema, pero wala ring problema ang walang solusyon. What is important is how you handle a problem. It is what makes you a leader. Iyan ang kailangan natin sa bata, the confidence to say no to illegal drugs.” giit ng kalihim.

Nabatid na bago naman ang paglulunsad ng programa, pinangunahan din ng Kalihim ang pormal na pagbubukas ng BALAY SILANGAN o Baeay Pagbag-o it Kalibo sa Brgy. Nalook, Kalibo.

Ito ay kabilang sa proyekto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na naglalayong bigyan ng tulong ang mga drug surrenderee sa bansa. EVELYN GARCIA