SUPORTADO ng MMDA ang pagtatalaga kay dating Mandaluyong Mayor Benhur Abalos bilang bagong chairman sa nasabing ahensiya.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Senador Bong Go kahapon.
Ayon sa ulat, manunumpa si Abalos kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte mamayang gabi.
Nagpahatid ng pagbati si MMDA General Manager Jojo Garcia kay Abalos at nasasabik na makatrabaho ito.
Matatandaang naging MMDA chairman ang kanyang ama na si Benjamin Abalos Sr., noong taong 2001 hanggang 2002.
Papalitan ni Abalos, si dating MMDA chairman Danilo ‘Danny’ Lim, na pumanaw kamakailan matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Comments are closed.