ABALOS TIWALA SA BAGONG PNP CHIEF

“BINABATi ko si Major General Benjamin Acorda, Jr. sa pagkakatalaga nito bilang bagong Philippine National Police (PNP) Chief matapos siyang pangalanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.” bilang pinuno ng pulisya, ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr..

“Naniniwala akong si Acorda ang nararapat na mamuno sa PNP dahil sa kanyang malawak na karanasan at integridad upang tuparin ang hamon ng pagiging isang Chief PNP,” dagdag pa nga kalihim.

Si Acorda ay miyembro ng Philippine Military Academy “Sambisig” Class of 1991 at naging pinuno ng Directorate for Intelligence ng PNP noong Agosto 2022, Palawan Police Provincial Office chief mula 2014 hanggang 2016, at nagsilbi bilang Regional Director ng Police Regional Office 10 ng Northern Mindanao.

Tiniyak ng kalihim na sa bagong yugtong ito ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni Acorda, patuloy ang suportang ibibigay ng DILG sa pagpapatupad ng napapanahong pagbabago sa pulisya habang masigasig nitong tinutupad ang mandato nito na pangalagaan at proteksyonan ang ating mga kababayan.

Inaasahan ko rin po ang suporta, kooperasyon at pagkakaisa ng buong puwersa ng PNP sa bagong liderato upang maayos niyang magampanan ang kanyang tungkulin at mandato bilang pinuno ng kapulisan, ani Sec. Abalos. VERLIN RUIZ