Si Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera Jr. ay propesor sa programang Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman bagamat siya ay pinagtuturo rin ng aralin at wikang Filipino tulad ng P.I. 100 o mas kilala bilang Rizal Course. Nagtapos siya sa B.S. Psychology ng Kolehiyo ng Agham at M.A. Psychology ng Graduate School ng Unibersidad ng Santo Tomas kung saan ang kaniyang tesis ay tungkol sa tula bilang terapiya sa mga maykanser.
Para sa kaniyang Ph.D. Philippine Studies (Tri-college) sa U.P., inaral niya ang malay sa palay kaya nakabuo siya ng kalipunan ng mga tula na pinamagatang Palay Bigas Kanin.
Siya ay fellow ng Likhaan: U.P. Institute of Creative Writing na pinaglingkuran niya bilang Director noong 2003 hanggang 2008 – habang siya rin ay Tagapangulo ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas at kasapi ng National Committee on Literary ng National Commission for Culture and the Arts (N.C.C.A).
Kolumnista sa Manila Bulletin (2008), Rappler (2014), Diyaryo Filipino (2016), Hataw (2019) at Liwayway (2021), siya ay isa sa mga manunulat para sa Cultural Center of the Philippines (C.C.P.) Encyclopedia of Philippine Arts.
Kinatawan ng Filipinas sa China (2014, 2015, 2016), South Korea (2014), India (2017), Taiwan (2017), Vietnam (2017), at Singapore (2018), si Vim ay bumuo ng delegasyon ng kabataang Filipino para sa iba’t ibang pista ng sining at kultura.
Noong pandemya, nagturo siya online ng mga guro mula sa klaseng online sa Marinduque State College, La Consolacion University Philippines, at University of Cebu na iskolar ng Philippine Cultural Education Program ng Program ng National Commission for Culture and the Arts; nagtanghal sa #Ekinoks (Marso 20), sa #Igpaw (Abril 18), sa Maayo Uno! (Mayo 1), at sa 5th Sipa International (Setyembre 12) habang nasa kuwarentena; nasimulan niya — sa tulong ng Rappler — ang patimpalak na COVIDiona, COVIDagli, at COVIDalit; nakapagsalita rin si Vim sa LIRA Live ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo; Bukambibig ng Museo ng Kaalamang Katutubo; at Panayam sa Panahon ng Pandemya (PAN) ng Likhaan: U.P. I.C.W.; nagtaguyod silang kaniyang kabiyak na si Dinah ng expressive arts therapy para sa ArtPlus (Manila), Southern Luzon State University (Lucban, Quezon), at Holy Trinity University (Puerto Princesa, Palawan); naitampok siya noong 31 Hulyo 2020 sa Padayon: The N.C.C.A Hour at noong 9 Oktubre 2020 sa D.A.N.I. Art Show; naisalin niya ang Kcymaerxthaere: The Story So Far . . . (Folio 1) – ni Eames Demetrios; naisulat niya ang kaniyang karanasan bilang Festival Director ng Performatura International Performance Literature Festival para sa Sanghaya, the Philippine Arts+Culture Yearbook 2020; nag-host ng Kundiman, Kuwentuhan, Katuwaan ng Performatibo Manila (mula Mayo 2020-Mayo 2021), Tayabas Heritage Summit 2020 (14-15 Nobyembre 2020), AwiTambayan (19 Nobyembre 2020), at sa Philippine Center for Gifted Education Conference (24 Nobyembre 2020). nagbigay siya ng panayam ukol sa Performance Poetry – ang araling sinimulan niya noong 1995 sa U.P. Department of English and Comparative Literature – ang paksa ng panayam niya sa unang online na Consultative Workshop on the Development of Learning Resources ng Technical Committee on Literature ng Commission on Higher Education sa 16 Nobyembre 2020.
Nakatanggap si Vim ng Parangal Hagbong (2020) mula sa The Varsitarian ng U.S.T., ng U.P. Professorial Chair Award (2021) mula sa U.P.Diliman, ng Award for Excellence (2022) mula sa Rotary Vocational Service, Rotary Club of Tayabas Central, Tayabas, Quezon; at One U.P. (2023) mula rin sa U.P. Diliman. Noong 2023, binigyan siya ng Oustanding Alumni ng kaniyang alma mater sa elementarya na Tayabas West Central Elementary School.