ABAP COACH VELASCO MAGRERETIRO NA

MAGRERETIRO na sa katapusan ng taon si national boxing team coach Nolito ‘Boy’ Velasco.

Inanunsiyo ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) kahapon na ang 58-anyos na si Velasco ay hanggang Disyembre 31 na lamang sa kanyang rnational team duties.

“I’m looking  forward to enjoy my retirement with my family, as I give them the time and effort I missed because of working,” wika ni Velasco sa isang lihan sa national boxing federation.

Si Velasco ay nakatatandang kapatid nina Olympic boxing medalists Roel (bronze sa Barcelona 1992) at Mansueto ‘Onyok’ (silver sa Atlanta 1996).

Si Velasco ay kilala sa kanyang trabaho sa women’s national boxing team, kung saan ginabayan niya ang career ni Tokyo silver medalist Nesthy Petecio.

Tinanggap na ng ABAP ang pagreretiro ni Velasco, sa isang liham na nilagdaan nina president Ricky Vargas at secretary-general Ed Picson.

Comments are closed.