MAGIGING special guest si bronze medal winner Aira Villegas sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na magpapatuloy ang weekly session ngayong Martes (Aug. 20) matapos ang month-long break upang bigyang-daan ang paglahok ng bansa sa Paris Olympics.
Si Villegas ay sasamahan ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Marcus Jarwin Manalo sa 10:30 a.m.session sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Inimbitahan din si Nesthy Petecio, isa pang bronze medalist sa Paris, sa public sports program.
Ang ABAP ay magbibigay ng assessment sa kanilang naging kampanya sa Paris Games, at ng kanilang pananaw sa kung ano ang naghihintay sa kanila dahil ang sport ay inisyal na hindi nakalista bilang bahagi ng 2028 LA Olympics calendar.
Hinihikayat ni PSA President Nelson Beltran, sports editor ng The Philippine Star, ang mga miyembro na dumalo sa session na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ArenaPlus, ang 24/7 sports app sa bansa.
Panoorin ang Forum sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation. Ang session ay mapakikinggan din sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page Radyo Pilipinas 2 sports.