ABAP TODO-BANTAY SA PNEUMONIA OUTBREAK SA CHINA

PNEUMONIA

MAHIGPIT na binabantayan ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang sitwasyon sa Wuhan, China kasunod ng pneumonia outbreak, ilang linggo na lamang bago ang Asia and Oceania boxing qualifier para sa Tokyo Olympics ngayong taon.

Ayon kay Ed Picson, secretary-general ng ABAP, umaasa ang host city at ang mga kalahok na bansa na bubuti ang sitwasyon bago ang torneo sa Pebrero 3-14.

Sa kanyang pagbisita sa PSA Forum sa Amelie Hotel Manila kahapon, sinabi ni Picson na hindi nawawala ang kanilang pag-aalala bagama’t nakatanggap sila ng liham mula sa International Olympic Committee Boxing Task Force na nagsasabing, “no travel restrictions and extra measures are needed.”

Nakasaad pa sa IOC letter na binigyang-diin ng World Health Organization (DOH) na ang China ay may ‘strong public health capacities and resources to respond and manage respiratory disease outbreaks’, at walang inirerekomendang measures ang WHO para sa mga bibiyahe sa Wuhan, na 1,152 kms north ng  Beijing.

Ayon kay Picson, may mga bansa na nagpahayag ng kahandaan na kunin ang hosting ng  Olympic qualifier, kabilang ang Thailand at maging ang Filipinas, na naging host sa 30th Southeast Asian Games kamakailan.

“With our recent hosting of the SEA Games, we have the mechanics in place,” ani Picson. Gayunman ay duda siya kung ipapasa ng China ang hosting dahil may iba pa itong venues sa buong bansa na maaaring pagdausan ng multi-nation event.

Sakaling matuloy ang torneo sa Wuhan, sinabi ni Picson na magsasagawa ng kaukulang mga hakbang ang Philippine delegation upang masiguro ang kaligtasan ng mga boksingero at opisyal.

Aniya, walong boxers ang isasabak ng ABAP sa Asia at Oceania qualifiers, kabilang ang limang male at tatlong female boxers, karamihan sa kanila ay gold me­dal winners sa katatapos na SEA Games. CLYDE MARIANO

3 thoughts on “ABAP TODO-BANTAY SA PNEUMONIA OUTBREAK SA CHINA”

  1. 482748 215659There a couple of fascinating points in time in this post but I dont know if I see these center to heart. There may be some validity but Ill take hold opinion until I explore it further. Superb write-up , thanks and then we want a great deal a lot more! Put into FeedBurner too 573024

Comments are closed.