NAGING matagumpay ang halalan para sa Associaton of Barangay Captains (ABC) sa lalawigan ng Antique.
Dahil dito, nagpasalamat naman si Antique Governor Rhodora Cadiao sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa mga barangay chairman dahil sa malinis at mapayapang halalan para maging pangulo ng ABC.
Labingwalong munisipalidad sa nasabing lalawigan ang lumahok sa ABC elections at naging maayos ang halalan.
“Thank you DILG and barangay captains,” ayon kay Cadiao.
Sinabi ni Cadiao na ang ABC election sa mga bayan ng Pandan, Belison, Libertad, Caluya at Bugasong ay natapos hanggang tanghali habang hinihintay pa rin ang resulta sa iba pang bayan.
Ang halalan naman para sa mga opisyal sa provincial level ay itinakda naman sa Hulyo.
Makaraan ang election, magsasagawa ng seminar para sa bagong talagang barangay captain ang DILG upang maunawaan ng mga ito ang kanilang duties and responsibilities.
Sinabi naman ni Cadiao na magiging patas siya sa lahat ng barangay captain kahit ano pa ang political party nito partikular sa pagbibigay ng mga proyekto. EUNICE C.
Comments are closed.