CAVITE- ISANG ‘proud’ tinapa vendor ang nanumpang bagong talagang Pangulo ng Asosasyon ng mga Barangay Captain na si Jonathan “Jojo” Dela Cruz Crisostomo, 55-anyos kay Mayor Jose Voltaire V. Ricafrente kamakailan.
Bago pa man naging “kapitan del baryo” sa Brgy. Ligtong 4 si Crisostomo ay pagtitinda na ng tinapa ang kinabubuhay nilang mag-asawa.
Kaya naman, kahit naglilingkod na siya sa barangay ay patuloy pa rin siyang nagtitinda ng masarap na tinapang salinas.
“Kahit saan ako mapadpad, taas-noo kong ipinagmamalaki ang masarap na paninda kong “Tinapang Salinas”, pagmamalaki ni Jojo.
Kilala ang barangay ni Cristomo sa mga naglalakihang pabrika ng tinapa.
Habang ang bayan naman ng Rosario ay kilala bilang “Home of the Original Tinapang Salinas”.
Si Crisostomo ay nasa huling termino na ng kanyang panunungkulan bilang Brgy. Captain.
Ang pagiging ABC President ni Crisostomo ay katumbas ng isang konsehal ng bayan.
SID SAMANIEGO